News

09 June 2015

Christian Bautista surprised by ‘Soundtrack’ album hitting platinum

Matapos ang kanyang nakakakilig na duet kasama si Julie Anne San Josesa Sunday All Stars, nasorpresa ang Kapuso singer, actor, at performer na si Christian Bautista nang pormal na i-anunsyo na certified platinum na ang kanyang pinakabagong album na ‘Soundtrack.’

Nitong Linggo inihandog ng Universal Records ang platinum record award kay Christian para sa kanyang latest album.

Hindi naman makapaniwala ang singer sa magandang balitang ito at hindi rin niya itinanggi ang pagkasorpresa.

“I did not know this. Thank you, Jesus. Magaling kayong magtago sa akin ngayon,” aniya sa mga kasamahan sa SAS na sina Iya Villania, Jennylyn Mercado, at Mark Bautista na naghatid ng magandang balita.

Bukod sa patuloy na paggawa ng musika para sa kanyang fans, bumibida rin ngayon si Christian Bautista sa GMA teleserye na “My Mother’s Secret” kasama si Gwen Zamora. — Bianca Rose

More from:  http://www.gmanetwork.com/news/story/500578/showbiz/watch-christian-bautista-surprised-by-soundtrack-album-hitting-platinum